DA, pinaiimbistigahan na ang umanoy ‘palm oil smuggling’ sa bansa

Pinaiimbistigahan na ng Department of Agriculture (DA) ang umanoy smuggling ng palm oil sa bansa kung saan nasa P45 billion na ang nawawalang kita.

Ayon kay DA Undersecretary Fermin Adriano, ini-import ang naturang mantika papasok sa Pilipinas ng walang taripa.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Sinabi ng pangalawang kalihim na nahihirapan sila na malaman kung ito ba ay imported palm oil na ginamit bilang animal feeds o processed cooking oil.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Samantala, iniimbistigahan na ngayon ang mga taong nagbibigay ng quarantine clearance para alamin kung bakit nangyari ang naturang insidente. || ARGIE ERGINA