Comelec, nagbabala sa mga kandidato laban sa ‘election victory for sale’ na modus

Nagbabala ang Commission on Elections sa mga aspirants laban sa mga indibidwal na nagsasabi na kaya nilang manipulahin ang mga resulta ng eleksyon at panalunin ang mga kandidato na handang magbayad.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na may mga indibidwal na nagpapanggap bilang service providers at mga opisyal ng election body.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Iginiit ni Jimenez na niloloko ng mga scammers ang mga desperadong kandidato sa pamamagitan ng pangako na sila’y mananalo sa halalan.

Nilinaw ni Jimenez na hindi ito posible sa isang automated election system, tulad nang kanilang napatunayan mula pa noong 2019.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Mababatid na natanggap na ng Comelec ang kumpletong software na gagamitin para sa pag-automate ng 2022 elections.