Napili ni Pope Francis ang Filipino missionary na si Fr. Edgar Gacutan para pamunuan ang diocese of Sendai sa Japan.
Sa post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa website nito ay sinabi na ang Sendai ay ang pinakamalaking siyudad sa Tohoku Region, at isa sa 15 pinakamalaking lungsod ng Japan na may one million inhabitants.
Mababatid na nagsilbi na noon si Gacutan, 57-anyos, bilang parish priest ng Matsubara Catholic Church sa Setagaya Ward, Tokyo.
Nagmula si Gacutan sa bayan ng Enrile sa probinsya ng Cagayan habang sa St. Louis University sa Baguio City ito nag-aral ng Philosphy mula 1981-1985.
Kumuha naman siya ng Theology sa Maryhill School of Theology sa Maynila mula 1986-1989.
