Inanunsyo ng gobyerno na maaring kumpletuhin ng mga indibidwal ang kanilang COVID-19 shots sa second round ng national vaccination drive sa susunod na linggo.
Ito ay matapos sabihin ng Department of Health na gaganapin sa December 15-17 ang pagpapatuloy ng “Bayanihan, Bakunahan” program na naglalayon na mabakunahan ang 7-milyong Pilipino.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na goal ng gobyerno na maging fully vaccinated ang 54-million na katao sa katapusan ng Disyembre.
Ipinunto ng kalihim na tututukan ng gobyerno ang pagbibigay ng second dose sa pagpapatuloy ng national vaccination days.
Pero sinabi ni Nograles na hindi ibig sabihin nito na hindi sila magbibigay ng first dose sa mga nangangailangan nito.
