COMELEC lalagdaan na ang kontratang titiyak sa seguridad ng electronic transmission sa halalan

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections para sa 2025 midterm elections.

Isa na nga sa mga nakatakda nilang gawin ay ang paglagda sa kontrata para sa secure electronic transmission services sa Huwebes sa mga kumpanyang makakatuwang sa nasabing halalan.

Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, matapos ang makapag-comply ng mga joint venture sa mga kinakailangang requirements, dumaan ang mga ito sa mahigpit na demo, testing at examination.

Sa mga pagsusulit na ito, inaasahang mas magiging transparent ang mabilis ang transmission ng resulta ng midterm elections.

Samantala, matatandaang una nang nilagdaan ng komisyon ang kontrata nito sa MIRU System ng South Korea upang gamitin ang mga automated machines nito sa botohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *