Kapakanan ng mga taga-Sitio Kapihan, pinatutukan ng senadora

Naniniwala si Senate Minority Leader Senadora Risa Hontiveros na maituturing na biktima lang din ng kahirapan ang lahat ng mamamayan sa Sitio Kapihan sa Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Kaugnay nito, nanawagan siya ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno lalong lalo na sa lokal na pamahalaan ng Socorro at Surigao del Norte na gawing prayoridad ang pagtutok sa kapakanan ng mga ito.

Ito ay matapos bawiin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasunduan na nagpapahintulot sa SBSI na manatili sa Sitio Kapihan.

Maalala, si Jey Rence Quilario alyas ‘Senior Agila’ ang dating tumayong lider ng SBSI na siyang naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa patung-patong na kaso ng pang-aabuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *