PNP – tiniyak ang seguridad para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr bukas

Tiniyak ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo ang pakikiisa ng buong ahensya sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr bukas.

Ayon kay Fajardo, nagpatupad na sila ng mga hakbang na siyang makatutugon sa security concerns lalo na sa mga lugar kung saan magdaraos ng ilang aktibidad at festivities.

Maliban dito ay nagdadag na rin umano sila ng mga tauhan na ipinakalat sa mga lugar na pagdarausan ng pagtitipon.

Sa huli, binigyang-diin ni Fajardo na target ng kapulisan na maging ligtas ang pagdiriwang ng naturang selebrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *