Ipapanatili ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic bilang technology provider para sa May 2022 automated elections, sa kabila ng isyu ng data security breach.
Paliwanag ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, masyado umanong risky na tanggalin ang Smartmatic na ilang linggo nalang ay halalan na.
At bilang compromise, hindi muna lalagda ang poll body sa P90-million payment voucher sa Smartmatic na due noong Marso, hangga’t mapatunayan na ang naturang private contractor ay inosente sa anumang maling gawain.

Bagama’t may kapangyarihan ang Comelec na iterminate ang kontrata ng Smartmatic at i-blacklist ito para sa mga susunod pang biddings, sinabi ni Pangarungan na mas ikinokonsidera nilang magpataw ng penalidad hanggang sa makapagsumite na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kanilang final report.
Mababatid na ang naturang kompaniya ang nagdala sa nasa P3 billion halaga ng deals para sa May 2022 elections. //MHEL PACIA-TRINIDAD