Sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang nationwide distribution ng mga balota para sa May 9 elections.
Ayon kay Commissioner Aimee Ferolino, ang actual deployment ng mga balota ay nagsimula sa hating gabi ng April 20.
Dagdag ni Ferolino, target ng poll body na maipamahagi ang lahat ng mga balota pagdating ng May 5.

Ang naturang mga election materials ay direktang ibibigay sa treasurer’s office ng bawat lungsod at bayan, sa presensya ng election watchers at officers.
Samantala, sinabi naman ni Commissioner George Garcia na halos 100% ng mga vote counting machines na gagamitin sa May 9 ay naipamahagi na. //MHEL PACIA-TRINIDAD