Comelec hindi umano nagkulang sa pagpapaalala sa mga kandidato at partido sa paglalagay ng mga campaign materials

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Commission on Elections na hindi ito nagkulang sa pagpapaalala sa mga kandidato at partido na magpaskil lang ng mga campaign propaganda materials sa mga itinalagang lugar.

Kahapon ay pinagbabaklas ng Comelec Task Force ang mga campaign materials na nakapaskil sa mga puno, poste ng kuryente at iba pang ipinagbabawal na lugar.

Nag focus ang Task Force na binubuo ng Comelec, DENR, DPWH at PNP sa pagtanggal ng mga campaign  materials sa mga highway at hindi muna pinakialaman ang mga nasa private property dahil sa Temporary Restraining Order ng Korte kontra Oplan Baklas.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Election Officer III Virgilio Veras ng bayan ng Basud, magsasagawa sila ng imbentaryo ng mga nakuhang illegal campaign posters at gagawa ng report para isumite sa Comelec Provincial gayundin sa Regional Office.

Nakadepende na umano sa nakatataas na opisina kung ano ang magiging susunod na hakbang.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aminado si Veras na sa dami ng mga unlawful campaign materials ay kulang ang isang araw na Operation Baklas.

Sa katunayan ay puno ang truck ng DPWH ng mga nakuhang campaign materials sa kahabaan pa lang ng Maharliha Highway.

Nasa pangangalaga ngayon ng Comelec ang mga nakuhang campaign posters para sa imbentaryo.