CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang tatlong nangungunang trabaho ng mga lalaki at babae sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay ito sa Preliminary 2021 Registered Vital Events kung saan ang datos ay mayroong galing pa sa 2015 data dahil wala pa ang datos para sa 2020 Census of Population and Housing.
Ito ay ang Skilled Agricultural Workers, Elementary Occupations at Plant and Machine Operators.
Sa Skilled Agricultural Workers ay mayroong 93. 15 % na mga lalaki at 6. 85 % na mga babae.
Ayon kay Camarines Norte Chief Statistical Specialist Ma. Dulce Padayao kabilang sa grupong ito ay ang may specific skill o specialty sa larangan ng agrikultura na iba naman sa unskilled.
Ang huli ay ang sinuman na nag a- assist kahit walang teknikal na kaalaman pero mayroong physical participation o role sa service work.
Sa Elementary Occupations ay mayroong 76. 80 % na mga lalaki at 23. 20% naman na mga babae.
Ang elementary occupations o unskilled workers ay ang mga nagtatrabaho bilang domestic helpers, farm laborers, construction laborers, hand launderers, kitchen helpers at iba pang kahalintulad na trabaho.
Isa rin sa top 3 occupations sa lalawigan ay Plant and Machine Operators na may 98 .07 % na mga lalaki at 1. 93 % na mga babae.
Kabilang sa grupong ito ay ang mga mangagawa sa industrial at agricultural machinery equipment on the spot o sa pamamagitan ng remote control, driver at kahalintulad pang trabaho.
Pag dating naman sa Educational attainment ay marami na ang hindi nakaabot ng kolehiyo.
Sa datos mas maraming kababaihan ang nakakatapos ng kolehiyo na mayroong 22, 085 kumpara sa mga lalaki na may 14, 628.
Mas marami naman ang nakakapagtapos ng High School sa hanay ng kalalakihan na mayroong 98, 714 habang ang mga babae ay 96, 645
Ang datos na ito ay mula sa 2015 Census of Population.
Ang naturang mga datos ay para sa March 2022 presentation ng PSA sa gender statistics.
