Maayos na Biosecurity pinatitiyak sa mga poultry farms sa Camarines Sur kaugnay kumpirmadong kaso ng Bird Flu

NAGA CITY- Pinatitiyak ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang maayos na Biosecurity sa mga poultry farms sa Camarines Sur, ito ay kaugnay ng kumpirmadong kaso ng Bird Flu.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Regional Technical Director Rolando Marquez sinabi nitong bago ibaba sa mga dressing plant ang manok, kailangang may mga dokumento na nagsasabing negatibo sa anumang sakit, ito aniya ay nakabatay sa kautusan ng Department of Agriculture (DA).

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay Marquez ang insidente sa  Bula at Sipocot ay malayo sa broiler growing areas. Kaya dapat hindi masira ang biosecurity sa alinmang poultry farms upang hindi kumalat ang virus. 

Kapat aniyang mapigilan ang pagkalat dahil malaking industriya ito ay makakaapekto ng husto sa paghahanapbuhay kung may problema.

Nagbabala ang DA na may banta sa kalusugan ng tao ang na-detect na subtype ng H5N1. Maaring magkaroon ng ubo, sipon, pamumula ng mata, pananakit ng katawan at iba pa.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Mababatid na naghigpit na ang DA sa pagbiyahe ng mga buhay na sisiw, manok, pato, at itik mula Luzon hanggang April 7, bawal muna itong ibiyahe papuntang MIMAROPA, Visayas, at Mindanao upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa hayop. 

Una nang sinabi ng Bureau of Animal Industry, pumalo na sa 45 lugar ang positibong tinamaan ng nakahahawang avian influenza.