Comelec, hindi masisisi ang publiko sakaling pagdudahan ang kasunduan nito sa F2 Logistics

Inalamahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng Commission on Elections na pasukin ang isang kontrata kasama ang kompanya na may koneksyon sa isang malaking campaign contributor ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May kinalaman ang nasabing kasunduan sa distribusyon ng mga balota at equipment para sa May 2022 elections.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ipinunto ng abogado ni Robredo na si Barry Guttierez na hindi masisisi ng Comelec ang publiko kaugnay sa mga pagdududa nito sa poll body at sa F2 Logistics na may koneksyon sa Davao-based businessman na si Dennis Uy.

Ayon kay Guttierez, isyu ito ng propriety lalo na at ibinigay ito sa malaking donor sa kampanya ng isang politiko.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Umapela naman si Guttierez sa publiko na bantayan ang integeridad ng mga balota, vote-counting machines, at iba pang election materials ng F2 Logistics para sa May 2022 elections.