2022 budget, prayoridad ng mga mambabatas sa pagbabalik ng sesyon sa Kongreso

Nakatakdang magbukas muli ang mga sesyon ng Senado at House Representatives ngayong araw matapos ang isang buwan na Haloween break.

Inaasahan na magiging pangunahing agenda nito ay ang pagpasa sa mahigit P5-trillion national budget.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na ang kanilang pangako ay tiyakin na nakatutok ang budget bill sa daan patungo sa full recovery ng bansa mula sa COVID-19 crisis.

Anya, sisikapin nila na makarating ang budget bill sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang katapusan ng taon.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Winelcome naman ng lone Marinduque representative ang pagtitiyak ng Senate leadership na hindi ito makakapayag na magkaroon ng reenacted budget sa 2022.