Comelec-EU, dinepensahan ang komisyon sa gitna ng mga alegasyong iniuugnay rito

Nagpahayag ng suporta ang Comelec Employees’ Union (Comelec-EU) para sa Commission on Elections sa gitna ng umano’y ‘systematic attack’ sa kredibilidad ng institusyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Comelec-EU na nakatindig sila sa likod ni Chairperson George Erwin Garcia na ngayon ay nahaharap sa mga bribery charges.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon sa mga ito, sumasang-ayon sila kay Garcia na isang ‘well-oiled demolition job’ ang ginagawa laban sa komisyon na target maalis ang tiwala ng publiko sa automated election system.

Bilang election frontliners, hindi umano nila kayang magwalang-kibo habang ang kanilang institusyon at mga lider ay sinisiraan gamit ang mga alegasyong ‘unfounded’ at ‘absurd.’

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ang pag-atake umano kay Garcia at sa Comelec leadership ay pag-atake sa institusyon, at isang direktang pagtira sa kredibilidad ng halalan na pinaghirapan nila i-‘uphold’ at i-‘preserve.’