Kabilang na sa Philippine Coast Guard Auxiliary si First Lady Liza Araneta Marcos.
Naganap ang oath-taking at donning ceremony kahapon sa Port Area Manila, kung saan pinangunahan ito nina Transportation Secretary Jaime Bautista at Coast Guard Admiral Ronnie Gil Gavan.
Binigyan si First Lady ng honorary rank na Vice Admiral.
Pinasalamatan ng Unang Ginang ang PCG sa kanilang pag ganap sa tungkulin sa West Philippine Sea.
Anya, layon nyang magbigay inspirasyon sa mga kababaehan at kalalakihan ng PCG, habang ginagampan nila ang kanilang tungkulin sa bansa.
Maliban kay First Lady Liza, ilan pa sa mga kilalang personalidad na PCG Auxillary ay sina Diether Ocampo, Julia Barreto, at ang boyfriend nitong si Gerald Anderson.