COMELEC, dinepensahan ang panukalang gawing 10 ang nominees ng mga party-list

Iginiit ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na masyado nang nababalahura ang nasasamantala ang pagpapalit ng mga nominees sa mga party list groups.

Ito ay matapos sabihin ng Comelec na pinaplano nito ang pagre-require sa mga party-lists groups na sasali sa 2025 midterm elections na magsumite ng maximum ng 10 nominees, mula sa kasalukuyang 5 nominees.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Garcia, sinabi nitong may tiyansa raw kasi na bigla-bigla na lang nagsisipag-resign ang 5 nominees sa isang party list, at papalitan ng iba.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ani Garcia, kapag ganito ang nangyari – parang hindi na rin naging makatotohanan ang party list na inaasahan ng taumbayan.

Dahil dito, iminungkahi na ng ahensya ang pagtataas sa bilang nga mga nominees kada-party list group.