Bagong kanta ng BGYO, mapakikinggan na sa June 7

Gigil na ba lahat ng fans ng BGYO?

Kaunting araw na lang ay maririnig na ang panibagong kanta ng P-pop group na BGYO na pinamagatang “GIGIL.”

Susundan ng kantang ito ang ‘Patintero’ na ini-release ng grupo noong Pebrero.

Mababatid na pinasikat ng BGYO ang mga hit songs na “He’s Into Her,” “The Light,” “Tumitigil Ang Mundo,” at “Bulalakaw.”

Mapakikinggan na ang “GIGIL” sa June 7.