Lalaking nagpanggap na pulis, arestado matapos manakot ng isang jail officer

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manakot ng isang jail officer sa Las Piñas City.

Base sa ulat, hinarangan ng suspek ang daanan ng isang jail officer at nagpakilalang itong pulis.

Hiningi umano ng jail officer ang identification card ng suspek at nang mabigo itong magpakita ay agad itong tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Mabilis namang rumesponde ang mga miyembro ng Zapote police substation dahilan para maaresto ang suspek.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong illegal possession of firearm at usurpation of authority.