Hihingi na ng tulong si Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Erwin Garcia sa US Department of Justice (DOJ) sa pagtukoy ng mga nasa likod ng umano’y kanyang offshore bank accounts.
Ayon kay Garcia, lalapit na siya sa US para maimbistigahan ang mga alegasyong ipinupukol sa kanya ni Sagip party-list Rep. Dante Marcoleta.
Maliban dito, mahigpit din aniya ang Amerika pagdating sa identity theft at bank fraud.
Paliwanag ng komisyoner, ang kanyang request ay daraan muna sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Isa sa mga nais matukoy ni Garcia ay ang nasa likod ng firm na Jaleo Consulting LLC na siyang nag-deposite ng $100 each sa Cayman National Bank at New York Bank accounts na pawang nasa pangalan umano ng poll body chief.