PCG, tiniyak ang transparency sa imbestigasyon hinggil sa ‘di umano’y ‘smuggling’ sa mga barkong lumubog sa Bataan

Tiniyak ni Coast Guard Station-Bataan Lt. Commander Michael John Encina na magiging transparent sila sa mga impormasyong makakalap kaugnay sa imbestigasyon ng mga lumubog at sumadsad na barko sa Bataan.

Ito ay kasabay ng pagsilip ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa umano’y smuggling activity o yung ‘paihi’ na posibleng kinasasangkutan ng naturang mga vessels.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Encina, sinabi nitong sa ngayon ay hindi pa nila sigurado kung ano ba talaga ang ginagawa ng lumubog na Terra Nova at Jason Bradley, at ng sumadsad na motor vessel Mirola 1 sa katubigan.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Hindi rin umano nila nais na bumuo ng mga ispekulasyon, at ayaw din ng ahensya na pangunahan ang mga imbestigador.

Naniniwala aniya sila na mas mabuting ma-secure na muna ang mga impormasyon hanggang sa matapos ang imbestigasyon.