8 sa bawat 10 Pilipino – suportado ang cellphone ban sa mga eskuwelahan

Lumabas sa naging resulta ng Pulse Asia survey na walo sa sampung Pilipino ang sumusuporta sa pagba-ban o pagbabawal ng cellphones sa mga eskuwelahan.

Ayon sa nasabing survey, sa loob ng 1,200 na respondents, 76% mula rito ang nagpakita ng pagpabor sa cellphone ban, 13% naman ang hindi pabor dito at 11% naman ang hindi alam kung pabor sila o hindi.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Kung susuriin, ayon kay Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Senador Win Gatchalian, malinaw na makikitang suportado ng mga Pilipino ang kanyang itinutulak na Senate Bill No. 2706 o Electronic Gadget-Free Schools Act.

Layunin ng panukalang batas na ito na ipagbawal ang paggamit ng mobile devices at electronic gadgets mula kindergarten hanggang senior high school sa loob ng eskuwelahan at oras ng pag-aaral.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Matatandaan, ayon sa analysis ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), walo sa sampung Pilipino na may edad na labinglimang taon ang napaulat na naantala ang pag-aaral dahil sa paggamit ng smartphones, habang walo naman sa sampu ang napabalitang naiistorbo ang pag-aaral dahil sa paggamit ng kanilang kaklase ng smartphone.