Batangas City – Sinimulan na ng Commission on Election o COMELEC-Batangas City ang special satellite registration sa SM City Batangas.
Bukod sa pagpaparehistro, maaari ring magpatransfer, magpa-update at magpa-reactivate ng record ang mga botante.
Maaaring magparehistro hanggang June 21, 2024 mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika 4:00 ng hapon sa naturang mall.
Matatandaan na nakapagsagawa na rin ang Comelec ng registration sa ibat-ibang unibersidad sa Batangas na dinagsa ng mga first time voters.