Mahigit 200 kababaihan mula sa Manito at Camalig, Albay sa Knowledge Sharing Conference ng EDUCO Philippines kahapon

LEGAZPI CITY – Dumalo ang nasa mahigit dalawang daan at limampung (250) mga kababaihan mula sa mga bayan ng Manito at Camalig, Albay sa isinagawang Knowledge Sharing Conference ng Fundación Educación y Cooperación (EDUCO) Philippines sa ilalim ng Project We-Leap, kahapon sa Marison Hotel, Legazpi City.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang nasabing aktibidad ay naisagawa sa pakikipagtulungan sa Bicol Center for Community Developmen (BCCD), Mayon Integrated Development Alternatives and Services (MIDAS) na pinondohan naman ng Spanish Agency for International Development Cooperation (AECID).

Ito ay may temang “Babayi ka, bako babayi sana. Parte ka kan pagbabago.” Highlight ng naturang aktibidad ang pagbabahagi ng mga benepisyaryo ng ilan sa mga pagbabago at naitulong sakanilang buhay ng We-LEAP project.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kabilang sa mga dumalo ang iba’t-ibang partner government agencies tulad ng DOST, DTI, PSWDO, PhilPHIDA, BU at iba pa.