Umabot sa mahigit dalawang daan ang hired on the spot sa isinagawang job fair sa Central Luzon.
Sa ulat ng Department of Labor and Employment Region 3, nasa 257 ang kabilang sa HOTS nitong nakalipas na May 1.
Ayon kay DOLE Regional Director Geraldine Panlilio, nasa 3,756 jobseekers ang nakiisa sa anim na job fair sites sa rehiyon.
Sa kabuuan nasa 36,000 na trabaho ang binuksan sa region 3 nakalipas na labor day sa tulong ng 245 na mga kompanya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
