Coast Guard personnel sa Camarines Norte nabakunahan na

CAMARINES NORTE- Nabakunahan na ang halos lahat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Coast Guard Station sa 27 mga tauhan nasa 20 na ang naturukan ng bakuna para sa kanilang first dose.

Sinovac ang tinanggap na bakuna ng karamihan sa mga ito habang mayroon ding AstraZeneca at ilang Johnson & Johnson.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Sa priority Groups, nasa 11 ang kabilang sa A1 o healthcare workers na nabakunahan na, dalawa sa A3 o Persons with co morbidity at labing apat sa A4 o grupo ng mga frontline personnel.

Kahapon ay inihayag ng Department of Health (DOH)- Bicol  na naglaan ang gobyerno ng special allocation ng mga bakuna para sa uniform personnel na kinabibilangan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ito ay upang mapabilis ang rollout ng bakuna sa harap  ng mataas pa ring banta ng COVID- 19.

Noong nakaraang linggo naman ay sinimulan ang malawak na bakunahan ng mga PNP personnel sa lalawigan.