Ikalawang border Control point sa Naga City activated na

NAGA CITY- Activated na na pangalawang border control point sa Naga City dahil sa patuloy na banta ng delta variant at iba pang variants ng COVID-19.

Kahapon , idineploy na ang mga personahe ng Naga City Public Safety Office (PSO) Traffic Management Division  katuwang ang mga tauhan ng Naga City Police Office (NCPO) enforcers sa Barangay Del Rosario.  24-oras ang operasyon nito ayon kay Incident Management Team Commander Renne Gumba.

Ang team sa may boundary ng Naga at Pili, Camarines Sur ay karagdagang pwersa sa border control point sa Naga- Milaor Boundary na mga mga naman sa National Capital Region at mga karating rehiyon ang binabantayan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni PLt.Col Errol Garchitorena, Security Cluster head ng Health Emergency Task Force na ngayong may Delta Variant na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa maging sa Bicol Region dapat lalong mag-ingat.

Ang border control point sa Del Rosario ay ang sasala sa mga papasok o daraan sa Naga mula sa mga karatig lalawigan sa Bicol at galing Visayas. Kung papunta sa Naga dapat maipakita ang antigen test results, kung may sadya naman sa mga opisina at balikan lamang may mga kondiderasyon ang team. Habang ang mga pass through o daraan lamang ay hinahanapan ng dokumento kung saan ang destinasyon, may mga pagkakataon din na e-escortan palabas ng Naga.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Hindi naman kasama sa patakaran ang mga mula sa karatig bayan sa Camarines Sur, halimbawa bibili ng mga gamot, pagkain o anupang supply.

Sa mga susunod na araw mas maraming pwersa ang asahan sa border point tulad ng Highway Patrol Group at ilan pa. Asahan din ang mas mabigat na daloy ng trapiko.