Nangangamba ang mga rescue workers sa Haiti dahil paparating na bagyo habang nasa kasagsagan ng search and rescue operations matapos tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa Haiti.
Ayon sa report, inaasahang dadaan ang Tropical Depression Grace sa mga matinding sinalanta din ng lindol.

Nakadagdag pa sa alalahanin ng mga otoridad ang posibleng matinding ulan na magti-trigger ng landslides.
Sa kasalukuyan ay hindi pa rin passable ang ilang kalsada dahil sa pinsala ng lindol na nagpapabagal pa lalo sa rescue operations at pagdadala ng tulong sa mga apektado.
Matatandaan na umabot na sa 1,419 na tao ang nasawi habang hindi pa matiyak ng mga otoridad kung ilan ang nawawala hanggang sa ngayon.
Samantala, patuloy naman ang pagdating ng mga search and rescue team mula sa America, Chile at Mexico habang medical teams naman ang mula sa Cuba ang nasa Haiti sa ngayon na tumutulong sa mga sugatan.