Co-founder ng isang sikat na tech brand, nagkaroon ng minor stroke

Nagkaroon ng minor stroke ang isa sa co-founder ng isang sikat na tech brand sa buong mundo na si Steve Wozniak.

Nakatakdang maging speaker si Steve sa World Business Forum sa Mexico nang biglaan na lamang itong isinugod sa ospital.

Ayon sa American entreprenuer, nakaranas siya ng pagkahilo, vertigo at nahihirapan na siyang maglakad.

Kinumpirma naman ni Steve sa isang text message na nagkaroon siya ng minor stroke.

Ngayo’y pabalik na ng Estados Unidos si Steve Wozniak.