POGO hubs sa Metro Manila, nagsisilipatan sa probinsya – ayon sa DOJ

Nagsisilipatan na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) companies mula sa Metro Manila patungong probinsya dahil sa sunud-sunod na raid – ayon sa Department of Justice.

Sinabi ni Justice Undersecretary Nichols Felix Ty na mainit ang mga POGO rito sa Maynila kaya’t naniniwala ang ahensya na lumipat na sila sa mga karatig na probinsya.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Dagdag pa ni Ty, natuklasan nila ito nang na-rescue nila ang nasa 30 foreign nationals na sapilitang pinapunta sa Cebu para magtrabaho sa isang POGO hub doon, makalipas lamang ang isang araw matapos nilusob ang POGO hub sa Pasay.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Bukod sa Cebu, maaari aniyang magbukas ng expansion ang gaming operator sa Cagayan De Oro at maging sa Region 2.