MDRRMO- Daet nagpaalala tungkol sa kahalagahan ng mga beach flags sa karagatan

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Municipal disaster risk Reduction and Management Office ng LGU Daet sa mga Beach Goers na sundin ang mga  nakatalagang beach  flags para sa kaligtasan ng lahat

Sa ibinigay na impormasyon ng MDRRMO, ang bawat kulay ng flag ay nagsisilbing paalala sa lahat upang maproteksyunan ang bawat sarili

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang red flag ay nagrerepresenta ng panganib, kung saan hindi pinapahintulot ang paglangoy sa bahaging iyon ng dagat

Ang white checkered flags naman ay ang lugar na itinalaga para sa mga surfers

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Habang ang mga yellow flags ay ang bahagi ng dagat kung saan ligtas na paliguan at life guarded area

Ang mga paalalang ito ay makikita sa bawat bahagi ng Bagasbas Beach na layong maprotektahan ang mga lokal at mga turistang  dumarayo sa lugar.