Cloud seeding, muling isasagawa

Magsasagawa muli ngayong buwan ng Abril ang DA Regional Field Office 02 (RFO2) katuwang ang Philippine Air Force (PAF) ng cloudseeding.

Ito ay upang madagdagan ang tubig sa mga dam bilang paghahanda sa wet cropping season.

Ayon kay OIC- Regional Executive Director Rosemary Aquino, ng DA RFO2, hiniling ng NIA ang cloudseeding dahil sa kakulangan na ng tubig sa kanilang mga dam.

Sinabi ni Aquino na nakipag-ugnayan na sila sa PAF at anumang araw ay isasagawa ang cloudseeding.

Target na mapaulanan ang mga watershed area na siyang nagbaba ng tubig sa mga dam/water impounding project sa rehiyon.

Gagamitin ang kalahati sa 7.5 million na pondo ng kagawaran sa cloudseeding.

Kapag naging matagumpay ang naturang mga hakbang , maagang makapag-release ng patubig sa mga irrigation system sa rehiyon at makakapagtanim ng maaga ang mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *