Konstruksiyon ng Flood Mitigation Project sa City of Ilagan, sinimulan na

Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways – Isabela 1st District Engineering Office ang Phase II ng flood mitigation structure project sa kahabaan ng Cagayan River sa Barangay Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Itatayo ang 463 linear meters ng concrete revetment sa steel sheet piles bilang bahagi ng proyekto, na pinondohan ng halos P140 million pesos .

Ayon kay District Engineer Deoferio P. Vehemente Jr., ang sistema ng pamamahala ng ilog ay isang maagap at mahalagang proyekto sa pagbawas sa mga epekto ng pagbaha.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inaasahang matatapos ang proyekto sa Enero susunod na taon na mayroon ng 49.20% complete.