Mga motorista, pina-iingat sa byahe ng Koronadal City Police Traffic Section

KORONADAL CITY – PINA-IINGAT ngayon ng Koronadal City Police Station – Police Traffic Section ang lahat ng mga motorista maging ng mga dumadaan sa mga kalsada sa lungsod ng magdahan-dahan sa pagmaneho ng mga sasakyan patungo sa iba’t ibang mga destinasyon.

Ito ang panawagan ni PMSGT. Leo Dimaculangan, traffic investigator ng Police Traffic Section ng Koronadal City Police Station sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kasabay ito sa mga pag-ulan na nararanasan sa lungsod kung saan nagiging sanhi umano ito ng madulas na daan lalo na sa mga isinailalim sa asphalt ang daan sa lungsod.

Hiling din ng opisyal sa lahat na kung maaari huwag mag-overspeed lalo na maraming mga motorista na madalas hindi na-iingat sa kanilang pamaneho. Layunin nito ng panawagang ito ay upang mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa Koronadal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *