Mas mababang bilang ng mga motorista – naitala sa NLEX at SLEX

Hinimok ng Toll Regulatory Board (TRB) ang publiko na balak umalis ng Metro Manila sa mahabang Undas weekend na samantalahin ang mababang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Ito ay kasunod sa mas mababang bilang ng mga motorista na dumadaan sa NLEX at SLEX.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz, hindi tumugma sa historical data ang kasalukuyang daloy ng mga sasakyan na mas mababa kaysa sa inaasahan.

Aniya, nabatid din na ang peak ng pag-alis ay dapat sana ay sa unang bahagi noong Biyernes ngunit hindi ito nangyari.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Tiniyak naman ni Corpuz, na ang seguridad ay nakahanda na upang masiguro ang ligtas na paglalakbay kasama ang Quick Response Teams na handang tumulong sa mga motorista sa NLEX at SLEX.