Isa pang covicted sa kasong isinampa ni Vhong Navarro na si Ferdinand Guerrero, sumuko na

Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang convicted sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.

Pasado ala una ng hapon ng kusang sumuko ang negosyanteng si Ferdinand Guerrero kay NBI director Medardo De Lemos.

Ayon kay Guerrero, pinapasa dyos na niya ang kanyang kasalukuyan sitwasyon at naniniwala siya na uusad ng maayos ang proseso.

Sinabi naman ng kanyang abogado na maghahain sila ng iba’t ibang mosyon.

Si Guerrero kasama sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz ay sinampahan ng kaso ni Navarro matapos na ikulong sa isang condominium unit sa Taguig noong 2014 at pinagbantaan pa na papatayin.

Matatandaan noong May 2 nang hatulang guilty beyond unreasonable doubt ng Taguig RTC ang apat at pinatawan ng parusang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *