Citation ticket mula sa mga enforcers ng LGU, hind dapat na  binabalewa – LTO Sorsogon

SORSOGON CITY – Hindi puwedeng basta balewalain lamang ang citation ticket na iniisyu ng enforcers ng  mga LGU sa mga motorista.

Ito ang binigyang-diin ng provincial chief ng Land Transportation Office (LTO)-Sorsogon na si Grace Rojas.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Paliwanag nito, ang listahan kasi ng mga naiisyuhan ng citation tickets ay isinusumite sa kanilang opisina kung kaya nagkakaroon pa rin ng demerit points ang motorista.

Aniya, ito umano ang dahilan kung bakit kailangan na hindi ipinagsasawalang bahala ng isang motorista kahit simpleng violation lamang.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Dagdag pa ng opisyal na kahit mabayaran pa ng motorista ang ticket, ito ay maererecord sa kaniya at counted pa rin ito bilang violation na posibleng maging dahilan upang hindi maisyuhan ng driver’s license na mayroong 10 year validity.