Muli nang bubuksan ng probinsya ng Cebu ang kanilang lugar para sa mga foreign nationals, anuman ang kanilang vaccination status.
Sa ilalim ng naturang direktiba, ang mga foreign nationals na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 ay subject sa tatlong requirements, na kinabibilangan ng negative RT-PCR test, na kinuha sa loob ng 48 hours bago ang departure mula sa country of origin; swab test pagdating sa Mactan-Cebu International Airport; at sasailalim sa facility-based quarantine hanggang sa mailabas ang kanilang second RT-PCR test result, na kinuha sa ikalimang araw.

Sa gitna nito, mariing hinihikayat ang mga unvaccinated foreign nationals na magpabakuna habang nasa Cebu.
Ayon sa provincial government, ang single dose Janssen vaccine ay gagawing available ng Department of Health (DOH) para sa mga unvaccinated foreign nationals. //MHEL PACIA-TRINIDAD