CICL na miyembro umano ng Espinola Drug Group, tiklo sa buy-bust ops

Pansamantalang itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office ang isang 16-anyos na babae na naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Provl Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provl Special Operations Unit (PSOU) ng Sorsogon Police Provl Office (SPPO) sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Ang anti-illegal drug operations ay isinagawa sa Brgy Buenavista ng nasabing bayan.

Ayon sa isang source ng Brigada News, nasa target list na ang nasabing menor-de-edad na kasama sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs. Ito rin ay secondary target ng COPLAN Ragnarok at miyembro ng Espinola Drug Group.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Naaresto ang suspek matapos ito magbenta sa isang operatiba na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng hinihinalang Marijuana kapalit ng P600.00.

Ayon pa sa source ng Brigada News, ang supplier umano ng suspek sa iligal na droga ay ang mga ‘tulak’ mula sa lalawigan ng Albay na pawang mga nasakote na rin sa mga buy-bust operations na ikinasa ng mga drug enforcement units sa naturang lugar.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Isa ang pangalan ng suspek na nabanggit ng mga naarestong ‘tulak’ na umano’y kumukuha sa kanila ng iligal na droga.

Ang suspek na itinuturing na CICL o Children in Conflict with the Law ay isasailalim muna sa counseling and ‘determination of discernment.’