LGU Naga handang magbigay ng tulong sa mga evacuees sa Albay

NAGACITY –Handang magbigay ng anumang tulong lalo na sa pagkain at mga damit pati na rin iba pang pangangailangan ng mga evacuees ang City Social Welfare and Development Office ,hinihintay lamang ang direktiba ng office of the city mayor.

Sa oras na magpalabas ng go-signal si City Mayor Nelson Legacion ay agad na tatalima sina CSWDO head Annabelle Vargas, para magpadala ng anumang tulong.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tiniyak ito ni Vargas kaugnay sa pag alburuto ng bulkang Mayon at pagdami naman ng mga apektadong mamamayan doon sa Albay.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga sinabi niya na may nakahanda silang mga food packs, mga damit at maging ng mga kumot na puwedeng ipamigay sa mga bakwit,l alo na sa mga buntis, sa mga bata at sa mga matatanda.

Wala pa aniya siyang idea kung anong tulong ang ibibigay ng city government kung sakali.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Magkagayunman, kumpiyansa sina Vargas na kahit hindi sila magpadala ng tulong sa Albay ay tiyak namang hindi magugutom ang mga evacuees dahil nakatanggap na ang mga ito mula mismo sa DSWD central office na mismong si Sec. Rex Gatchallian ang may dala. 

Galing na rin doon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya natitiyak nilang nasa mabuting kalagayan ang mga evacuees.