LEGAZPI CITY – Pormal nang sinimulan ang operasyon ng Multi-Species Marine Hatchery sa Ligao City.
Ito ay matatagpuan sa Sitio Tambac, Brgy. Maonon ng lungsod, at naglalayong mapantayan ang tumataas na demand sa seed stocks hindi lamang sa Bicol region kundi pati na rin sa mga kalapit na rehiyon.
Pinangunahan ito ni Mayor Fernando Gonzalez kasama ang iba pang mga opisyal ng LGU, ilang mga tauhan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol at si Albay PPO Director PCol. Fernando Cunanan, Jr.
Sa ngayon, ayon sa LGU, maganda ang magiging epekto nito dahil ang makukuhang kita mula rito ay inaasahang magpapalakas sa ekonomiya ng lugar.