CHR, naniniwalang hindi ‘redundant’ ang ginawang ‘superbody’ para sa human rights ni PBBM

Binigyang-diin ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Atty. Richard Palpal-latoc na hindi ‘redundant’ ang nilikhang ‘super body’ ni Pangulong Bongbong Marcos para pagtuunan ng pansin ang human rights situation sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Palpal-latoc, sinabi nitong walang conflict sa CHR ang binuong special committee.

Aniya, mananatili pa rin kasing independent ang CHR, habang ang binuong committee o super body ng Pangulo ay nasa ilalim ng Executive Department.

Ayon pa sa opisyal, bukas at handa silang makipagtulungan sa ‘super body.’

Naaayon din daw kasi talaga sa mandato ng Komisyon na makipagtulungan sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *