Heat stroke at altapresyon, posible ring tumama sa mga bata ngayong tag-init -RHU Lagonoy

CAMARINES SUR – Malaki ang posibilidad na tamaan rin ng heat stroke at altapresyon ang mga bata ngayong patuloy pa rin ang nararanasang init ng panahon.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Lagonoy Municipal Health Officer Dr. Victor Amecis na maaaring magkaroon ng pagtaas sa presyon ng dugo ang mga batang edad sampu pababa lalo na yung mga dati ng may sakit sa mga organs kagaya ng heart and kidney failure. Aniya, maaaring matrigger ito ng sobrang init ng panahon at mauwi sa malubhang karamdaman.

Wala pa namang naitatalang ganitong kaso sa nasabing bayan ngunit payo ng doktor sa mga magulang ang tripleng pag-aalaga sa mga bata lalo na’t nauna nang sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na sa Hunyo pa magtatapos ang El Niño phenomenon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *