Bamban Mayor Alice Guo, naging registered voter isang taon bago ang halalan

Kinumpirma ni Comission on Elections (Comelec) Chairperson Atty. George Garcia na nagparehistro bilang botante si Bamban Mayor Alice Guo noong Abril 2021, isang taon bago maganap ang halalan.

Sinertipikahan ng alkade dito na siya ay isang Filipino citizen.

Maalalang kinwestiyon ng ilan ang Comelec hinggil sa pag-apruba ng candidacy ni Mayor Guo kahit kahina-hinala ang kanyang pagkakakilanlan, citizenship, at iba pa.

Paglilinaw ni Garcia, wala silang discretion na tanggihan ang Certificate of Candidacy (COC) ng kahit na sino dahil ministerial ang kanilang tungkulin.

Ipinunto niya na sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang tanging paraan para ma-countercheck ang isang COC ay imbestigahan ang posibleng misrepresentation dahil ito ay ginagawa sa ilalim ng panunumpa.

Anumang maling representasyon sa COC ng isang kandidato ay maaaring humantong sa isang perjury charge.

Sa ngayon, natanggap na ng Senado ang COC ni Mayor Guo bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *