CHR – naaalarma sa paglobo ng TB cases sa mga PDLs

Binigyang-diin ng Commission on Human Rights (CHR) na gaya ng lahat ng tao, nararapat makatamasa ng kaparehong alaga at pagtrato ang mga persons deprived of liberty (PDLs).

Ito ay kasunod ng paglobo ng bilang ng kaso ng tuberculosis sa mga piitan.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na ang mataas na bilang ng mga suspected tuberculosis cases sa mga PDLs sa Pasay City ay nagpapahiwatig na kailangan na ang agarang pagtugon sa outbreak.

Umaasa ngayon ang komisyon na magpapatupad ang Bureau of Correction (BuCor) ng routine at komprehensibong medical screenings sa lahat ng PDLs periodically, maging sa pagpasok pa lamang ng mga ito.

Batay sa CHR, higit 400 PDLs na sa Pasay City ang nagpapakita ng sintomas ng tuberculosis.

Naka-isolate na umano ang mga ito para sa confirmatory testing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *