Kaso ng Makati road rage incident, ‘case closed’ na ayon sa PNP

Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng reklamo laban sa suspek na namaril at pumatay sa kapwa motorista sa EDSA Ayala sa Makati dahil sa umano’y road rage.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay PNP Spokesperson Jean Fajardo, ilan sa isasampang kaso ay murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition law at Land Transportation and Traffic Rules.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Posibleng ngayong Huwebes o Biyernes ng umaga maisampa ang reklamo laban sa suspek.

Matatandaang nauwi sa pamamaril nitong Martes ang gitgitan ng dalawang sasakyan na ikinasawi ng isang motorista.