VP Sara – nananatiling may pinakamataas na trust, satisfaciton ratings sa Tangere

Nakuha muli ni Vice President Sara Duterte ang pinakamataas na trust at satifcation ratings kumpara sa ibang top government officials sa buwan ng Mayo.

Ito ay kasunod ng pagbaba ng kanyang ratings sa nakalipas na dalawang magkasunod na buwan.

Batay sa Tangere survey, nakuha ni Duterte ang 52% satisfaction rating, at 60% trust rating.

Patuloy umanong nakatatanggap ang bise presidente ng malaking suporta mula sa Davao, kung saan nakakuha siya rito ng 66% trust rating, at 63% satisfaction rating.

Samantala, naitala naman ang pinakamatataas na lebel ng dissatisfaction at distrust kay VP Sara sa Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon, at Bicol Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *