Fast food chain, natangayan ng mahigit P90K sa Carmona, Cavite; suspek, nagtago sa chiller bago magnakaw

Isang fast food chain ang natangayan ng P91 thousand pesos matapos pasukin at sirain ang volt nito ng isang suspek sa Brgy. Mabuhay, Carmona City, Cavite.

Ayon sa Carmona MPS, nangyari ang pagnanakaw nitng Lunes NG gabi.

Batay sa CCTV footage ng establismento, Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang pumasok dito maga-alas- diyes ng gabi noong Lunes, at nagtago sa loob ng chiller bago gawin ang pagnanakaw.

Ayon sa pulisya, mabilis na tumakas ang suspek matapos matangay ang pera patungo sa BiƱan, Laguna.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. (BRIGADA INTERN – RAY RESPICIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *