Chinese na hinihinalang torture master, nahuli ng mga otoridad sa POGO hub sa Pampanga

Master torture ang turing ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa nahuling Chinese national sa labas ng ni-raid na POGO hub sa Porac Pampanga.

Kinilala ang naturang Chinese na si Wu Li Feng isang wanted fugitive sa China.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon sa PAOCC naging indikasyon nila ang sunog na tatto sa kamay ni Wu kung bakit siya itinuturing na torture master. Mas tumibay pa ang ebidensiya laban sa naturang Chinese dahil ang cellphone nito ay naglalaman ng mga patay na Chinese, bulto ng pera, at maging larawan ni PAOCC Usec. Gilbert Cruz.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Kinumpirma naman ng PAOCC na talamak ang prostitution sa naturang POGO hub na ang karamihan ay mga Pilipina.

Iniimbestigahan na ang nasa likod ng prostitution.