Teves Jr. muling inaresto matapos palayain sa Timor Leste – ayon sa DOJ

Muling inaresto sa Timor Leste si dating Congressman Arnolfo Teves, Jr. matapos maiulat na napalaya nitong Lunes.

Ayon kay Justice Asec. Mico Clavano nakatakdang humarap si Teves sa paglilitis kaugnay sa kanyang extradition.

Inaresto noon si Teves sa Dili City noong Marso matapos mag-isyu ng red notice ang International Police kaugnay sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Patuloy namang dinidinig ng korte sa Timor-Leste ang hiling ng DOJ para sa extradition ni Teves.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *